Entertainment News - Top Stories
Matteo Guidicelli Denies Breakup with Girlfriend Maja Salvador
July 30 ----- Kahit ilang linggo lang ipinalabas ang Promil i-Shine Talent Camp, na-enjoy raw talaga ni Matteo Guidicelli, isa sa mga hosts ng show, ang talent search na ito para sa mga bata. Pero bago pa nagsimula ang interview, nagsabi na ang PEP sa kanya na tatanungin din siya tungkol sa kanyang lovelife.Kamakailan kasi’y nag-post ang girlfriend niyang si Maja Salvador sa kanyang Instagram account ng nakakaintrigang picture.Sa nabanggit na photo-sharing social networking site, nag-post si Maja ng tila screenshot ng isang Twitter post.Ang nakalagay na tweet sa screenshot: “I don’t know why they call it heartbreak. It feels like every part of my body is broken too.”Sagot agad ni Matteo: “Wala, wala akong masabi ro’n. Dito muna tayo sa i-Shine.”Pero kumusta na ba talaga sila ni Maja? “We’re happy. Everything’s fine,” nakangiti niyang sagot.
“She’s busy with her work, and me also, I’m busy training for this Ironman,” banggit uli niya sa sasalihang triathlon event sa darating na Agosto.“So, that’s what’s taking up my time. I sleep early because I have to get up at five o’clock in the morning, every day.“And she’s concentrating with her soap Ina, Anak, Kapatid, at palagi sila nagti-taping. Malayo [lugar] pa ang taping nila,” pagbabalita ni Matteo tungkol sa pinagkakaabalahan ng kasintahan.“I think it’s good for a relationship. Being busy, it’s very, very good.“Because it keeps the mystery and sparks alive,” sagot ni Matteo.
Source: pep.ph