Sports News
Entertainment News - Top Stories
Angelica Panganiban is Ready to Accept Suitors
July 12 ----- Masaya ba si Angelica ngayon? “Super!” walang gatol na sagot niya. Ano ang nagpapasaya sa kanya? “CarbTrim!” mabilis niya uling sagot na natatawa. “Alam n’yo kasi sobrang daming blessings. Sobra. "Kumbaga, hindi ko nakita ‘to dati.“Siyempre ngayon, kung sarili mo na lang iniisip mo, di ba, nakikita mo yung sarili mo na ano… kung ano yung magagandang bagay na nangyayari sa ‘yo. Naa-appreciate mo siya. "Yung mga dumadating na endorsements, projects... kung ano pa man yung dumating sa ‘kin, bina-value ko siya. Kuwento pa niya, “Nag-aayos kami ng family ko ng business, yung pangarap ko talaga na mapauwi na dito yung mga relatives ko, so parang yun na lang. Yun na lang."
Kumusta naman ang lagay ng kanyang psuso sa ngayon? “Buhay siya!” natawa niyang sagot ulit. “Uhm, okay naman. Well, nakikita ko naman yung sarili kong happy. So feeling ko, ready naman… ready na 'ko.” Handa na siyang pumasok sa isang panibagong relasyon? “Hindi naman. Ready lang akong mag-explore, mag-enjoy, makipag-date... kung uso pa siya. Yung gano’n. “Pero yung ibang bagay, e, hindi ko alam. Hindi naman yun napipigilan, di ba? "Pero kaya ko, kaya ko,” nakangiti niyang pahayag.
Source: pep.ph